|
|
|
|
|
|
|
Ang Tatak ng Aming Kagalingan
Muli ay buong pagmamalaki naming inihahandog ang aming Water Quality Report. Sa mga taong nakalipas, inialay namin ang aming mga sarili sa paggawa ng inuming tubig na nakapapasa o humihigit sa lahat ng pamantayan ng estado at ng bansa. Patuloy kaming nagsisikap na humango ng makabago at higit na mabisang pamamaraan upang maibigay sa inyo ang pinakamataas na uring tubig inumin. Para sa karagdagang inpormasyon ukol sa ulat na ito, o anumang katanungan ukol sa inyong tubig inumin, magyari lamang na tawagan si Anne Rice, Laboratory Chemist, sa
(707) 649-4372.
Pindutin dito para matangap ang inpormacion
version (1.88mb - PDF) (English).
Layunin
Buhat pa sa simula, layunin na ng Lungsod ng Vallejo na makapagdulot ng pinakamataas na uri ng inuming tubig para sa lahat ng mga tumatangkilik nito. Maipagmamalaki namin ang kasaysayan ng aming mataas na uri ng paglilingkod. Upang mapamalagi namin ang aming dedikasyon sa layuning ito, pamalagian kaming kumukuha at nagususuri ng sample sa lahat ng bahagi ng sistema ng tubig - mula sa pinagmumulan ng tubig hanggang sa inyong mga tahanan - upang tingnan ang kadalisayan nito at upang makita ang mga potensyal na problema. Ang aming mga pasilidad sa pagdadalisay ng tubig (water treatment facilities) ay pamalagiang isinasaayos, sinisiyaysat, at itinataas ang kapabilidad upang makaagapay sa makabagong teknolohiya, pangkalusugang siyensa, at pinakahuling panuntunan. Ang aming modernong laboratoryo ang siyang sentro ng aming programa sa pangangalaga ng kalidad ng tubig. Tinatauhan ng mga sinanay na siyentipiko at tekniko, ang State Certified na laboratoryo ay nagtataglay ng pinakabagong mga kagamitan at may kapabilidad upang sumukat ng mga impuridad na nasa tubig hanggang sa isang bahagi ng isang quadrilyon (one part per quadrillion)! Sa pamamagitan ng pagpaplano, episyenteng pamamalakad, at konsentrasyon sa mataas na uri ng serbisyo, ibibigay namin sa inyo ang mataas na uri ng tubig inumin sa murang halaga hanggang sa mga darating pang panahon nitong ika-21 siglo.
Sa karagdagang kaalaman ukol sa ulat na ito, o sa mga katanungang nauukol sa inyong inuming tubig, tawagan si Anne Rice, Laboratory Chemist, sa (707) 649-3472.
Saan Nagmumula Ang Ating Tubig?
Mapalad ang mga kostumer ng Lungsod ng Vallejo sapagkat tayo ay nagtatamasa ng mariwasang suplay ng tubig mula sa apat na pinagkukunan. Ang tubig na galing sa Solano Water Project ay tinitipon sa Lake Berryessa at tinatransporte sa pamamagitan ng Putah South Canal patungo sa Cordelia. Ang tubig naman na buhat sa State Water Project ay iniimbak sa Lawa ng Oroville at ipinaagos sa Ilog Sacramento kung saan ito kinukuha mula sa Barker Slough ng mga bomba ng pasilidad ng North Bay Aqueduct patungo sa imbakan ng (DWR) Forebay na nasa Cordelia. Ang tubig na mula sa pagagamit ng sariling lisensiya ng tubig ng Vallejo mula sa Ilog ng Sacramento ay itinatransporte sa pamamagitan din ng mga pasilidad ng (DWR) NBA sa Barker Slough. Ang Lawa ng Curry ay isang reserbang imbakan ng tubig ng Vallejo na nasa Napa County. Ito ay gagamitin ng Vallejo sa sandaling matapos ang lahat ng mga kinakailangang pasilidad ukol sa pagtransporte ng tubig nito patungong Vallejo. Tubig na mula sa alin man sa itaas ay ibinobomba mula sa Cordelia patungo sa Fleming Hill Water Treatment Plant na nasa tuktok ng burol na katapat ng Six Flags Marine World.
RAng Vallejo ay may tatlong pinagkukunan ng tubig para sa Lakes Water System na nagsisilbi sa Gordon Valley, Old Cordelia, Green Valley at ilang bahagi ng American Canyon. Ang tubig ng sa Solano Project ay dinadala mula sa Lake Berryessa sa pamamagitan ng Putah South Canal. Ang mga lawa naman Frey at Madigan ay masusumpungan sa gawing hilagang kanluran ng Solano County. Pawang pag-aari ng Vallejo ang mga nasabing lawa pati na ang mga karatig na lupain nito. Ipinagbabawal ng Vallejo ang anomang aktibidad na makapagdudulot ng kontaminasyon sa lugar na ito. Ang tubig ay umaagos mula sa Lake Madigan patungo sa Lake Frey. Ang tubig naman mula sa Lake Frey at maging ang nanggaling sa Putah South Canal ay ibinobomba mula sa Diversion Dam na nasa gawing itaas ng planta patungo sa Green Valley Water Treatment Plant na nasa dulo ng Green Valley Road.
Ang mga kostumer ng Lakes System ay maaari ring silbihan ng tubig mula sa Waterman Treatment Plant ng Siyudad ng Fairfield kung kinakailangan dahil sa konstruksyon, o dahil sa hindi maiiwasang pagkukumpuni ng mga tubo at pasilidad. Makahihingi kayo ng kopya ng kanilang Water Quality Report sa telepono (707) 428-7594.
Pagsusuri ng Pinagmumulan ng Tubig
Ang pagsusuri sa pinagmumulan ng tubig (Source Water Assessment) ang siyang nagsusulit ng kalidad ng tubig na pinagkukunan ng tubig inumin. Ang Assessment Survey ang siyang tumitingin sa mga aktibidad na maaaring maging sanhi ng kontaminasyon. Ang mga potensiyal pagmumulan ng kontaminasyon ay tinitipon sa isang Vulnerability Summary. Ang ulat ng Vulnerability Survey ukol sa tubig na nagmumula sa Sacramento Delta ay lalabas sa huling bahagi ng taong 2002. Isang katulad na pag-aaral patungkol sa Putah South Canal ay natapos noong Disyembre 2001. Ang resulta ng pag-aaral ay nagsasaad na ito ay higit na nanganganib sa mga sumusunod na aktibidad na hindi kaugnay sa mga kontaminant na nadedetekto sa tubig: mga ilegal na aktibidad / walang pahintulot na pagtatapon (dumping) dito, paggamit ng mga pamatay halaman, mga daan at karsada, tubig mula sa storm drain, at tubig na mula sa mga imbakan na ginagamit din bilang pangkaaliwang pasilidad.
Ang kumpletong ulat ukol dito ay makikita sa Solano County Water Agency, 508 Elmira Road, Vacaville, CA 94704. Maaari ring tawagan si Frank Morris, Senior Environmental Scientist, sa (707) 451-2852.
Ang Source Water Assessment ng Frey at Madigan ay natapos noong Abril 2001. Ang mga lawang ito ay higit na nanganganib sa mga susmusunod na aktibidad kaugnay ng mga kontaminant na nasuri sa na nasa tubig: ilegal na paggamit ng lawa sa Diversion Dam sa paliligo, sa mga hayop na nakalalapit sa ilog ng Wild Horse, sa pang-agrikulturang daloy na mula sa mga ubasan, mga aktibidad na kaugnay sa mga hayop na nasa Horse Ranch, at mula sa sunog.
Isang kopya ng kumpletong Assessment ay matutunghayan sa opisina ng Public Works ng Siyudad ng Vallejo, 555 Santa Clara Street, Vallejo, CA o tawagan si Exequiel G. Ganding, Jr., sa (707) 648-4307.
Papaano Dinadalisay ang Ating Tubig?
Ang proseso ay binubuo ng ilang magkakasunod na hakbang. Una, ang tubig ay ibinobomba mula sa (DWR) Terminal Reservoir o sa Summit Reservoir patungo sa pre-ozonation tank sa Fleming Hill. Ginagamitan dito ang tubig ng Ozone gas upang idisinpekto at upang makatulong sa nalalabing pang mga proseso. Pagkatapos, ang tubig ay tumutuloy sa mixing basin kung saan idinadagdag dito ang mga chemical coagulants. Ang mga coagulants ay nagbubunsod sa mga pinong impuridad na nasa tubig upang magdikit-dikit at bumuo ng higit na malalaki at mas mabigat na particulo na tinatawag na "floc". Ang mga "floc" ay pinatitining at inaalis sa mga sedimentation basins. Kasunod nito, muling ginagamit ang Ozone gas upang patuloy na puksain ang mga nalalabing mikrobyo at upang maalis ang kulay, lasa, at amoy sa tubig. Pagkatapos, ang tubig ay sinasala sa mga "filters" na binubuo ng buhangin at granular activated carbon (GAC). Sa pagkaalis ng pinakamaliliit na impuridad mula sa tubig, ang labo ng tubig ay naaalis at ang lumalabas ay
ang walang kulay na dinalisay na tubig. Idinaradag sa hakbang na ito ang mababang dosage ng Chlorine bilang paneguro na mapuksa ang mga nalalabi pang bakterya. Sa huli, idinaragdag ang caustic soda (upang ilagay ang tubig sa pinal na pH at alkalanidad) at ang Flouride (upang makatulong sa pagsugpo ng tooth decay) bago ibinobomba ang dinalisay na tubig sa mga malilinis na tanke at sa inyong mga pamamahay at bahay kalakalan..
Mga Impuridad Na Inaasahang nasa Tubig Inumin
Ang inuming tubig (galing man sa gripo o nakabotelyang tubig) ay nagbuhat mula sa mga lawa, ilog, mga tanke o imbakan, mga balon at balong (springs). Sa pagdaloy ng tubig sa mga ito sa ibabaw man o ilalim ng lupa, nilulusaw ng tubig ang mga natural na mineral na nararaanan nito at sa ilang pagkakataon, mga radyoaktibong mineral, at nakakakalap din ito ng mga dumi na nagmumula sa mga hayop o sa mga tao.
Ang mga contaminant na nasa pinagmumulan ng tubig ay maaring nagtataglay ng sumusunod:
- Mga Mikrobyo: gaya ng virus at bakterya, na posibleng nanggaling sa mga sewage treatment plants, mga poso negro, sa agrikulturang paghahayupan, at sa mga hayop gubat.
- Inorganikong Contaminant: tulad ng mga asin-kemikal at mga metal, na maaaring natural o dala ng agos ng tubig mula sa ulan, mga dumi mula sa industriya o sa mga bahayan, produkto ng proseso ng paggawa ng langis at gas, sa pagmimina, o sa pagtatanim.
- Mga Pesticide at Herbicide: na maaaring mula sa pagtatanim, dala ng agos ng tubig ulan, o mula sa paggamit sa mga bahayan.
- Organikong Kemikal na Contaminant: tulad ng mga sintetiko at bolatil na organikong kemikal na mula sa prosesong industriyal o sa paggawa ng petrolyo, at maaari rin namang buhat sa gasolinahan, sa poso negro, o dala ng agos ng tubig ulan.
- Radyoaktibong Contaminant: na maaaring natural o resulta ng pagmimina o paggawa ng langis at gas.
Upang matiyak na ang tubig sa inyong gripo ay ligtas upang inumin, ang USEPA at Kagawaran ng Serbisyong Pangkalusugan ng California (California Department of Health Services, CDHS) ay nagpapatupad ng mga regulasyon na nagtatakda ng pamatayan ng mga Contaminant na nasa tubig na mula sa mga pangpublikong sistema ng tubig. Ang CDHS ay may katapat din na regulasyon na nauukol sa mga nakabotelyang tubig para sa proteksyon ng pangpublikong kalusugan. Ang tubig inumin, kabilang na ang nakabotelyang tubig, ay maaaring magtaglay ng kaunting Contaminants. Ang pagkakaroon nito ng mga ito ay hindi nangangahulugang makasasama sa inyong kalusugan. Ang higit na kaalaman ukol sa mga Contaminants at ang potensyal na epekto nito sa kalusugan ay makukuha sa pamamagitan ng pagtawag sa USEPA Safe Drinking Water Hotline (1-800-426-4791).
May Tanong Kayo?
Tumawag sa Safe Drinking Water Hotline ng U.S. EPA sa 1-800-426-4791
Tanging Pangkalusugang Impormasyon
May mga taong higit na naapektuhan ng Contaminants sa tubig inumin kaysa heneral na populasyon. Ang mga taong mahina ang resistensiya bunga ng pagkakasakit tulad ng mga taong may kanser na sumasailalim sa Chemotheraphy, mga taong positbo sa HIV o may AIDS o mga katulad na Immune System Disorder, ilang mga matatanda, at mga sanggol, ay maaaring higit na nanganganib sa impeksyon. Ang mga ito ay nararapat na humingi ng kaukulang payo mula sa kani-kaniyang tagapangalaga ng kanilang kalusugan. Ang EPA/CDC (Centers for Disease Control) ay may mga tuntunin at panuntunan ukol sa nararapat na paraan upang mabawasan ang panganib ng impeksyon mula sa Crytosporidium at iba pang mga mikrobyong Contaminants. Ang mga ito ay makukuha mula sa Safe Drinking Water Hotline (1-800 426-4791).
Partisipasyon ng Komunidad
Kayo ay inaanyayahang lumahok sa aming pangpublikong panayam upang maipaalam sa amin ang inyong alalahanin ukol sa inyong tubig inumin. Ang Solano County Water Agencies ay nagpupulong tuwing ikalawang Huwebes ng bawat buwan sa oras na ika-pito ng gabi sa pangunahing opisina ng Solano Irrigation District na matatagpuan sa 508 Elmira Road, Vacaville, CA.
Babala sa mga Tagatangkilik
Ang mga manggagawa ng Sistema ng Tubig ng Lungsod ng Vallejo ay inaatasan na lagi nang lubusang magpakilala maging sa personal man o sa telepono. Kung kayo ay hindi nakatitiyak sa katauhan ng mga taong nagpapakilala na taga Sistema ng Tubig ng Vallejo, tumawag sa (707) 648-4307 at humingi ng beripikasyon.
In Pilipino
Ang ulat na ito ay nagtataglay ng mahalagang inpormasyon. Ang kumpletong salin nito
sa wikang Pilipino ay matatagpuan sa aming website sa www.ci.vallejo.ca.us. Kung nais
ninyong makipagusap sa kinauukulan na may kaalaman ukol sa ulat na ito, mangyari lamang
na tawagan si jun malit sa telepono (707) 648-4309
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|